Things End But Memories Last Forever

1:26:00 AM


"God saw you getting tired a cure was not to be. So he put his arms around you and whispered “come to me.” With tearful eyes we watched you, and saw you pass away. Although we loved you dearly, we could not make you stay. A golden heart stopped beating, hard working hands at rest.God broke our hearts to prove to us, He only takes the best."

To Tito Alex, your in my thoughts.. last October nung huli tayong magkita't magkausap inasahan ko pong magkikita pa tayo muli. Yung masarap na luto po ninyong binibida ni mama, lalo na yung dinuguan, gusto ko po sana matikman ulit.

Kapag kinukwento po kayo ni mama samin sobrang ang saya niya, lalo na po yung kwento ni mama nung una kayong nagkita. Yung kwento ni mama nung dinala niyo po siya sa Nueva Ecija, yung kwento ni mama nung pumasyal po kayo sa Baguio, yung kwento po ni mama na lahat tungkol po sa inyo.. Yung saya ni mama na nakasama po kayo.

Tito, salamat po sa pagmamahal, pag-aalala, pag-aalaga kay mama. Sa time po na binigay niyo sa amin, sa mga text po ninyo sakin about ke mama, yung mga payong tatay niyo rin po sa akin habang akoy malayo sa kanila. Salamat tito Alex for your kindness, for your beautiful words, for your thoughts and encouragement and support that you have shown to us. Sa maikling panahon po na nakilala ko po kayo hindi ko po yun malilimutan.



Ma, stay strong andito kame mama nagmamahal sayo. Wala man ang presence nila Tatay at Tito Alex ma alam kong hindi ka nila iniwan.. they will never leave us.. keep on that strength ma.. Remember the love you shared together that is something this world can never take apart.

Mama, pacencia na ma kung nung tumawag po ako kanina wala na akong masabi,  naiyak na lang ako ma, lalo na ma nung narinig ko na boses mo.. Nabigla ako ma, namis ko po si tito alex..Mahal na mahal at mis na mis ko kayo lahat ma..


You Might Also Like

0 comments

Like us on Facebook