Napasulat ako ngayon medyo free sa work kaya sulat sulat din pag may time. Ito ay tungkol sa aking kapatid na may problemang puso ngayon na monthsary pa naman nila.
"Hi Ate, sad ako".
"Bakit? Okay ka lang ba?"
Nagkwento sa akin ang kapatid ko tungkol sa problemang puso. Haay mahirap malayo sa kapatid na may love problems hindi mo kasi siya mababatukan o mayayakap man lang. I want her to feel loved and very special kaya eto nalang payong kapatid. Inilista ko ang ilan sa mga payong pag-big ko sa kanya.
1. Love yourself
- Ito ang una kong natutunan at palaging naalala pagdating sa problemang puso. Check yourself first are you ok? Isipin mo na you are as important as anyone else. Give love to others, not because of who they are, but because of Who You Are.
2. Don't control your partner
- Respect him and give him the freedome he wants. Kahit na may hinala ka na na possibleng may party hayaan mo siya hindi ba nakakapagod you are trying to call him pero all day walang answer. Busy man siya sa work o may pinagkakaabalahan hayaan mo na muna siya. Huwag ka na magtanong. :) Eventually if he really think of you he will exert effort to feel that you are loved.
3. Change the way you think
- "Medyo nagdududa na ko.." Don't worry to much about him. Pwedeng may pinagdadaanan siya na hindi pa niya nasasabi sayo gusto lang niya mapag-isa o gusto niyang i-share na muna sa iba. Hayaan mo na muna siya at huwag agad magduda kung talagang 100% na isa na lang ang sagot niyan "let go and let God". Move on and embrace new chapter of your life.
4. Give yourself a break
- "Hayaan mo muna siya isipin mo un bukas." Bukas gusto mo ba na ganyan ka pa din? Worried sa kanya? Gusto ko sanang makita ng kapatid ko na hindi kapag nagmahal duon nalang iikot ang mundo, oras at panahon. Give yourself a break na muna. Go to parlor at magpa hair spa.
5. Be grateful
- Always be grateful. Lahat ng nangyayari sa atin sa kanila happens for a reason give all our trust to God wala tayong control pero si God He knows. Kung bumalik siya sayo be grateful huwag niyo na balikan un dati na nagkaroon siya ng pagkakamali. Kung hindi na siya bumalik be grateful it means na hindi pa right time para makita mo yung partner mo sa buhay. Cry all you want nagmamahal ka nasasaktan ang lahat ng yan kailangan natin sa buhay kaya be grateful dahil naeexperience natin magmahal at masaktan.
1 Corinthians 13:4-7
Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It does not dishonor others, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the truth. It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres.
Time lang ang makakahilom ng sakit na bunga din ng sarili mong pag-iisip. Sa utak nanggaling ang love problems don't stress. Accept and improve yourself. Be thankful, focus on God and give yourself a break. Lift your head and smile!
Ciao!