Happy Father's Day Tatay

12:14:00 AM


HAPPY HAPPY HAPPY FATHERS DAY TAY


Tay, Supeeer mis na po kita..
Lalo na pag ganitong fathers day.. :( Kc lagi kang me card galing samin dati na ginawa lang sa bond paper.. Heheh..
Drawing drawing pa ko nun ng isang buong pamilya.. Me nanay me tatay at kasama ang mga anak.. Iba’t ibang kulay at sabay “TATAY, HAPPY FATHERS DAY”.. Alala ko pa nun ung message ko.. Na sana tay, wag ka na masyadong uminom ng alak.. Heheh..
Ikaw naman kasi tay eh di mo ko kame hinintay.. Diba sabi mo dati sa edad mong 52 me graduate ka na.. Tay alam mo ang dami ko pong gustong ishare sayo.. Ikwento sayo.. Itanong sayo.. Ikaw unang tinatakbuhan ko mula pa noon pagdating sa mga ganyan.. hehe Lalo na ang galing mo sa history.. at dahil sa kakapakinig mo ng radio habang pumapasada ka ng taxi ang dami mong alam sa current news..
Palagi mo din naikkwento sa amin ang hirap ng buhay noon. Mga pinagdaanan ninyo noon.. At ang buhay sa probinsya kaya nagsumikap kayo makipagsapalaran dito sa manila. 
Tay, lahat ng mga pangaral mo samin lalo na sakin dahil panganay mo lahat tanda ko pa.. Tay, tabangi ko na hatagan ko baskog lawas para sa araw-araw. Lisod jud dari tay.. Ampo jud ko na hinaot swertehin ko sa trabaho makatabang kog dako sa pamilya.
Ang lagi mong bilin mo sa amin dati na magmahalan kame magkakapatid at wag makakalimot sa itaas.. Lagi ko naaalala. Ang boses sa tuwing kumakanta at nakangiti para sa amin. Mis ko lahat tatay.
Ngayon tay mag limang taon na..Nawala ka man, asahan mong ipagpapatuloy namin ang mga pangarap mo para sa amin magkakapatid..
Loveyou Tay Oscar!

You Might Also Like

0 comments

Like us on Facebook