Chinese Man Asked For Help: Please Help One Peso
5:02:00 PMPLEASE HELP ONE PESO
Dito sa Manila karaniwan na ang eksena na may biglaang lalapit sayong bata at manghihingi ng barya o di kayay matandang mangangalabit na nagmamakaawa para sa kaunting barya.
Ang iba naman ay maysakit at nakaupo sa gilid - humihingi.
May mangilan-ngilan ding nag-aalok ng mga ballpen na may kalendaryo para sa halagang 50 pesos, pero kung wala ka namang pambili ay any amount na. Ang iba ay sa mga fast foods at may ganito ding eksena.
Meron din sa mga bus na nagsasadula pa ng pangaral tungkol sa ebanghelyo sa Bibliya at ang iba ay mga batang biglaang sumasakay ng jeep para magpunas ng mga sapatos (pati paa) para sa barya.
Iba-iba man ang paraan iisa lang ang kailangan ang baryang malaking tulong na para makaraos sa araw-araw.
Ngunit nakatawag ng pansin sa akin ang isang lalaking Tsino na nakita namin ni EJ sa Quezon City Hall.
Nakasuot ng itim at ang kanyang ginawang sumbrero dahil sa init ay lalagyanan ng basurahan (pwede ding lalagyanan ng tubig).
Sinubukang kausapin ng isang ginang ang Tsino at nagsalita ito sa wikang Ingles.
Mag aalas dos ng dumating kame sa lugar at sa gitna ng kainitan napahinto kame para basahin ang kanyang sulat.
Part of his message was written below:
I'm a chinese announced the inside trading in China stock market by internet. then I had to leave China for Political System but I was blocked being murdered in Phil by China government.
1. I cant get help from my family. Chinese-filipinos.
2. I cant lend internet to invest.
3. I cant contact international by email.fax.telephone.letter
4. Im alone
5. I dont know language! Phil, my speaking in English is very bad
6. China embassy blocked...
Please help one peso!
0 comments