My boyfriend just send me a link and told me to try it out.. To my surprise after coloring all the images I thought it was just coloring it there were a message about your colour profiel.. Try it out: http://www.chinapaint.com/eng/flash/colorandme_en.swf
Wednesday ngayon at inaabangan ng kapatid ko mag start ang palabas na "Ded na si Lolo" sa TV5. Sa taas siya nanonood at tinawag ko para dito nalang sa baba manood dahil ako ay nag-luluto ng uulamin namin sa hapunan.
Hindi ko man naumpisahan naaliw ako agad ng makita si Manilyn Reynes nandoon na sa part na papalitan nila ng damit ang kanilang tatay at dumating si Aling Pilar na taga-kabilang barangay.
Hanggang sa maluto na ang hapunan at kumain na kame ay aliw na aliw kame sa panonood. Lalo na't mga magagaling na artista ang mga nagsiganap
Samakatuwid, naging apektado ako sa pelikula dahil kame rin ay nawalan na ng isang "Tatay" sa pamilya. Sa edad na 16 years old nangulila na ko sa tatay.. at ang palabas na Ded na si Lolo ay muling nagpaalala sa akin ng mga pamanhiin at mga gawa kapag may patay sa pamilya. Napakagandang pelikula ito at talaga namang nahuli ng director, writers, staffs, at mga artista ang totoong nagaganap at nangyayari kapag may patay sa ordinaryong mamamayan dito sa Pilipinas. Ang saklaan, kantahan gamit ang gitara, mga pakain para sa mga bisita, konting picturan, lahat... Naaliw ako at naiyak. Namis ko tuloy ang tatay ko. Muli kong sinariwa nung lamay ni tatay at hindi namin alam ang gagawin. Maraming mga matatandang nag-assist samin at tumulong. Marami rin kameng mga kamag-anak na dumating at nag-abot ng pakikiramay. Tanda ko pa non pumapasok pa rin ako sa school kahit na nakaburol si tatay sa bahay. Masakit pero kailangan kong pumasok para sa exam. At ngayon graduate na ako parang kelan lang ang first year college ko.. Sariwa pa sa aking alala ang kulturang Pinoy kapag may patay.
A graduate from the Technological University of the Philippines (TUP) in Manila topped this year’s list of 1,594 successful examinees in the Mechanical Engineering Licensure Examinations, the Professional Regulation Commission (PRC) announced on Monday.
TUP-Manila’s Ivan dela Cruz Marasigan topped the list with 93.35 percentage rating, followed by Roselle Victor Cultura Lague of Xavier University with 92.80 percent.
Tied at third place were Alvin John Narvasa Alcorcon of University of Cebu and Apollo Catarman Eleazar Jr. of Mindanao State University-General Santos City, both with 91.40 percent.
Others in the top 10 were:
4. Bernhard Ramos Cortez of Bulacan State University-Malolos and Daryl Borcelis Gamez of Bicol University-Legazpi with 91.10 percent;
5. Erwin Mark Dagsa Jacildone of Saint Louis University and Ariel Fernandez Parreño of TUP-Visayas with 91.05 percent;
6. Dexter Endraca Estolonio of TUP-Manila with 90.95 percent;
7. Glenn Ivan Vergara Pasia of TUP-Manila with 90.50 percent;
8. Christian Nick Arradaza Marasigan of Cebu Institute of Technology with 90.45 percent;
9. Mamerto Siacor Valdevia Jr. of West Negros College with 90.15 percent; and
10. Rannie Luzares Banzon of Cebu Institute of Technology with 90.10 percent. - KBK, GMANews.TV
76 TUP ME students ang nag-take 67 ang pumasa :)
Proud products of Technological University of the Philippines. Galing ng TUP ^_^
Now here's my story:
I'm a Globe wireless user and I was very disappointed sa supeeeeeeeer bagal ng service na binibigay nila samin. Pabalik-balik na ko and my bf para makipag-usap sa sa mga customer service pero walang nangyayari.. I once applied from wireless to wimax pero wala silang response. Pabalik-balik na rin ako sa Globe Center nila sa SM North pero still walang response. Naka-ilang filled up na ko ng application sa kanila, paulit-ulit checking ng location namin sa kanilang computer (kame naman turo ng turo na dito kame malapit na node) wala pa rin. Migration from wireless to wired connection still walang response. :(
Napagod na ko. Sa huli ako rin ang talo.. Nagbabayad ako every month ng 1 thousand plus for the internet bill pero I was unhappy sa kanilang connection.
Until I was convicend by a BayanDSL agent to switch due to my many problems na talaga namang sakit sa ulo. Lalo na homebased na ko nagwowork ngayon as web designer I need fast and reliable internet connection at home.
Nagbayad ako ng installation fee na 500 pesos sa Bayan Tel Center at Ever after 1 day may dumating na taga Bayan Tel. Namoblema sila.. Titingnan daw nila kung makakabitan kame. Hindi ko alam kung nasa bundok ba kame nakatira at tila ayaw nila kame kabitan. Ang katapat bahay namin naka BayanTel.. Tatlong bahay lang din ang layo samin ng internet cafe na nakaBayan DSL at dalawang bahay ang layo ng nakaBayan Tel landline. Sa likod bahay namin may mga naka bayantel din. Hindi ko lubos maisip kung bakit hindi nila kame kinabitan. Ang sabi babalik nalang "today" pero hindi sila bumalik kanina.
I was again so disappointed. Hindi ko malaman kung bakit hindi kame makabitan! Si GLOBE ganun din ang sabi when I migrate from wireless to wired. Ngayon naman si bayan.. Minsan nang di kame kinabitan ng bayan years ago at ngayon hindi na naman. Si PLDT ganun din.
Ang gusto ko lang naman ay maging wired ang connection namin gaya ng mga kapit-bahay namin. Bakit hindi maibigay. Mabagal ang wireless ko.. Napakabagal ng Globe wireless :(
Hay buhay! :( Pissed Globe!