DED na si LOLO on TV5!

9:14:00 PM


Wednesday ngayon at inaabangan ng kapatid ko mag start ang palabas na "Ded na si Lolo" sa TV5. Sa taas siya nanonood at tinawag ko para dito nalang sa baba manood dahil ako ay nag-luluto ng uulamin namin sa hapunan.


Hindi ko man naumpisahan naaliw ako agad ng makita si Manilyn Reynes nandoon na sa part na papalitan nila ng damit ang kanilang tatay at dumating si Aling Pilar na taga-kabilang barangay. 


Hanggang sa maluto na ang hapunan at kumain na kame ay aliw na aliw kame sa panonood. Lalo na't mga magagaling na artista ang mga nagsiganap


Samakatuwid, naging apektado ako sa pelikula dahil kame rin ay nawalan na ng isang "Tatay"  sa pamilya. Sa edad na 16 years old nangulila na ko sa tatay.. at ang palabas na Ded na si Lolo ay muling nagpaalala sa akin ng mga pamanhiin at mga gawa kapag may patay sa pamilya. Napakagandang pelikula ito at talaga namang nahuli ng director, writers, staffs, at mga artista ang totoong nagaganap at nangyayari kapag may patay sa ordinaryong mamamayan dito sa Pilipinas. Ang saklaan, kantahan gamit ang gitara, mga pakain para sa mga bisita, konting picturan, lahat... Naaliw ako at naiyak. Namis ko tuloy ang tatay ko. Muli kong sinariwa nung lamay ni tatay at hindi namin alam ang gagawin. Maraming mga matatandang nag-assist samin at tumulong. Marami rin kameng mga kamag-anak na dumating at nag-abot ng pakikiramay. Tanda ko pa non pumapasok pa rin ako sa school kahit na nakaburol si tatay sa bahay. Masakit pero kailangan kong pumasok para sa exam. At ngayon graduate na ako parang kelan lang ang first year college ko.. Sariwa pa sa aking alala ang kulturang Pinoy kapag may patay.  

You Might Also Like

0 comments

Like us on Facebook