College - Field Trip
5:02:00 PMHalos 1 year na rin akong working.. Nakakamis na ang buhay estudyante..
Naaalala ko pa dati na sabik na sabik na kong gumradweyt at halos tamarin na sa araw-araw na pag-gising ng maaga para pumasok sa eskwela. Ngayon parang gusto kong ikwento i-blog ang buhay college ko.. Ako lang naman ang magbabasa nitong blog at walang magtitiyagang basahin to. Heheh
Hai.. Wala nang mga klasmeyts ngayon.. Wala nang group bondings.. Wala na ring fieldtrip. Wala ng exams.. Natapos ko na ang apat na taon sa kolehiyo. Tahimik na at mag isa nang tinatahak ang realidad ng buhay.
I miss my college life at Technological University of the Philippines - Manila.
Ngayong nakuha ko na ang Transcript of Records ko last week wala na kong documents na need pa sa school.. Baka wala na rin akong balikan. But then I'm very thankful sa mga professors and clasmeyts ko sa college.. Hindi lang sila mga naging profs and classmeyts.. Silay naging friends, sisters and parents to me.. They touched my life in a simple way na mananatili sa alala ko hanggang sa pagtanda.
Tunay ngang ang lahat ay may katapusan.
Ang kung anumang sinimulan ay matatapos din sa tuldok. Ang pag-sshare ko ngayon ay matatapos din. Kung sakaling binabasa mo ito ay aabot ka din ng dulo. Kaya ang college life ay mananatili na sa akin. Ang buhay na binuo ko kasama ang mga kaklase, guro, mga kaibigan, pamilya ay napakahalagang pamana ng panahon sa akin. Hindi na maibabalik ang edad ko nun college pa ko mga taong nag aadjust pa lang ako sa tunay na karera ng buhay. Nakakatuwang isipin 21 na ko ngayon at namimis ko na agad maging students pumasok sa skwela ng naka uniform. Hehe. Gusto kong ikwento ang unang araw ko sa kolehiyo maybe kung may time soon. Sa ngayong hanggang dito nalang muna :)
3 comments
wow ang galing pwede maka relate? shae some of your experience about your field trip soon if time ka as you've saud...
ReplyDelete...wow ang galing?
ReplyDelete..pwede maka relate? i would like you to share some of your experience about your field trip...if you have time soon as what you have said......i'll wait.
hindi ko nagets aimae! haha anu po need nila ^_^
ReplyDelete