Lapis At Paper - Tula

5:55:00 AM

Kung itatanong mo kung gaano kita kamahal, sasabihin ko sayo……..
Tulad ng pagsasama ng lapis at papel, na mula sa kawalan ay nakabubuo
Ng napakaraming kabuluhan.

Ako ang lapis, at ikaw ang papel,
Susulatan kita ng aking mga pangarap, mga kwentong masaya at nakakaiyak
Guguhit din ako ng mga larawang makulay.

Mula doon ay magsisimula ang ating daigdig, ang buhay na pagsasaluhan natin
Habang kaya ko pang sumulat at hanggang may espasyo pa ako
Sa mapag-aruga mong papel….

Ngayon, at kung sakaling magsawa ka na, at ayaw mo na kong makasama,
Wag kang magalala, dahan dahan itutupi kita.
Upang maging isang eroplanong papel

Sabay paliliparin sa hangin, sa ilalim ng malawak na langit
Mula sa itaas makikita mo marahil ang ibang mundo,
Mundong wala noong magkasama pa tayo

Kasama ng ‘yong pagiging Malaya, ang pagpili kung saan mo gusting lumapag
Nandito lang ako at masayang mananalangin,
Na sana higit kaysa sa’kin, ang mapuntahan mo.

At kung malaglag ka sa lupa, at walang sinumang pumapansin,
Dahil di ka na sing ganda at tayog, nung nasa taas ka pang lumilipad
Kung lahat ng inaasahang mong pupulot sayo, ay dinadaan-daanan ka lamang
Kasabay sa paglubog at pagsikat ng araw……

Doon, doon ako darating upang kunin ka,
At ialok ang mundong binuo ko para sa’yo.
Iaayos ko at papantayin ang natupi at nalukot nung eroplano ka pa!

Ibabalik kita bilang isang papel, at akko pa rin ang lapis.
Na walang sawamg susulat sayo at maging kasama mo habang buhay
Pag nagging totoo na ang mga bagay na hindi natin inaasahan,

Saka mo’ko tanungin kung gaano kita kamahal….
Wag ngayong masaya tayong magkasama. 

Author: unknown

You Might Also Like

2 comments

Like us on Facebook