My First Secret Santa Christmas Dinner with Colleagues
5:42:00 PMLast monday (December 19), nag-celebrate ng Christmas dinner ang company namin. They decided to celebrate it earlier dahil may mga kanya kanyang lakad din sa mga susunod na raw.
Hindi ko agad ma-feel ung excitement sa Christmas dinner namin, wala din namang bonggang bonggang preperation. At bago kame mag-dinner ay halos maiyak ako nung kamustahin ko kay Google ang Bagyong Sendong. Nagulat ako sa mga pictures at videos na nakita ko dahil hindi ko akalaing ganoon pala kalaki ang pinsalang binigay ni Sendong sa Cagayan de Oro at Iligan.
Halos mag-alas-siyete na ng makarating kame sa Shangrila 5-minutes lang ata ang tinakbo ng kotse. Pinagbuksan kame ng pinto. Nang makita ko ang lugar naalala ko bigla si Shangrila Makati, halos magkatulad.
Dumiretso na kame sa The Line. Ito daw ay isa sa best buffet restaurants dito sa Singapore. Pagpasok isang hilera ng ibat-ibang klaseng putahe ang makikita mo sa The Line, may Japanese, Italian, Indian, Chinese, Mediterranean, Singaporean and Western Dishes.
Una kong tinikman ang Caesar's salad ako na nag-mix, pagtapos ay oyster, hipon, crab, etc. Hindi ako makapag-focus ng kakainin sa dami ng food at they were all looks tempting. Tinikman ko din ang turkey, pasta at konting dessert. Ang drinks namin Tiger beer, kamusta naman ang drinks pero masarap naman dahil malamig.
"Merry Christmas, Cheers!", masayang sinabi ng boss ko at nag-cheers kameng lima sabay inom.
I'm happy makita silang masaya celebrating Christmas. Buddhist ang religion ng mag-bf-gf kong boss, Buddhist din ang OJT namin at Hindu naman ang religion ng app developer namin.
Madadama po pa rin pala ang Christmas spirit kahit nasa ibang bansa. I admire them, kahit na hindi sila Christians they celebrate Christmas.
Ang boss ko nung una ko siyang marinig na nag-Merry Christmas sa kausap niya sa phone, napa-smile ako. He greet all his friends with Merry Christmas first bago kamustahin ang business.
Ang isang boss ko naman, nag-tatanong ng magandang gift ideas to her cats, friends and families.
Ang buong Christmas dinner ay kwentuhan about Christmas. Na-ikwento ko pa ang aking labing-anim na inaanak sa Pinas. Ang sabi ko 'non, 16 ang mga inaanak ko, mali pala, binilang ko kahapon umabot na pala ng 20.
Nga pala, nag-Secret Santa na kame, at ang nakuha ko ay Borjoius Paris na cosmetics.
Masaya ako kahit na maliit lang company at walang Christmas Party gaya ng nakagawian sa na company Christmas Party sa Pinas mararamdaman mo ang ngiti sa bawat puso celebrating Christmas. Totoo nga ang kantang, "It's Christmas all over the world".
Merry Christmas to everyone!
0 comments