Experience Kong Libreng Pamasahe Sa Taxi

2:30:00 PM

Stop muna ko from work tutal ay break ko naman ngayon, gusto ko lang i-share ang naging karanasan ko kanina. Busy Tuesday itong araw na to para sakin ngayon kasi ang deadline ng app (application for tablet) na pinagkakaabalahan namin nitong mga nakaraang linggo.

Triple checking ang ginagawa ko sa app kanina. Kahit kasi paulit-ulit ko na itong i-check may mga nakikita pa rin akong need baguhin. I asked guidance, "God,  sana wala akong ma-missed". Mag-alas dos na at kailangan kong ipasa ang Samsung Galaxy Tab sa Motorimage para ma-final check din nila ang contents ng application.

Sa may Tanglin nakakuha ako ng cab, unang tanong agad sa akin ni Uncle ay "Are you Myanmar?" sumenyas ako ng hindi habang nakangiti at nagsabi si Uncle na "Ah.. Philippines ah" at sumagot ako ng "Yes, Uncle". Hanggang sa nag-simula ang biyahe na nagkukwentuhan kame ni Uncle. Naging masaya ang kwentuhan naming dalawa hanggang sa nung magbabayad na ako hindi ako pinabayad ni Uncle. Binigyan niya ko ng receipt at ang sabi niya ay free na daw ang fare ko sa kanya. Pilit kong inaabot ang $10 ko dahil umabot ng $7 plus ang ride. Ayaw talagang tanggapin ni Uncle, nakangiti lang siya sa akin. Kinukuha ko ang name at number niya pero sabi niya ay huwag na daw. Nakangiti lang ako kanina at hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat. Kailangan ko ng umalis para maiabot ang tablet sa showroom, iniwan ko nalang ang name at numero ko kay Uncle at nagpasalamat ako.

Hindi ito ang unang beses na naililibre ako sa pamasahe pero ito ang unang beses na may manglibre sa aking ng pamasahe sa taxi dito sa Singapore. Minsan na din akong nailibre ng pamasahe sa bus. Nagkataon naman non na buong $2 ang pera ko kaya di ako pinabayad sa bus ni Uncle. Tanging ngiti at salamat nalang ang nasabi ko.

Sa lugar namin sa Pinas madalas akong malibre ng pamasahe lalo na sa tricycle. Halos mga kakilala ko na din kasi ang mga driver doon at kung minsan naman ay kapag may nakakasabay akong kakilala nililibre nila ako. Gawain ko din ang manglibre ng kakilala lalo na kapag may nakakasabay akong mas bata sa akin (mga estudyante) o di naman kaya ay sobrang tanda na akin (mga matatandang kakilala).

Ang nangyari kanina ay isa sa hindi ko malilimutan. Sobrang bait ni Uncle, nagkwentuhan kame about sa trabaho hanggang mapunta sa pamilya. Nabanggit ko kay Uncle na ulila na ako sa Tatay at taxi driver din ang cause of living ng pamilya namin noon. Sa sobrang iksing time na nakausap ko si Uncle sa totoo lang ay magaan ang loob ko sa kanya kakwentuhan, para ko siyang tatay kung kausapin. May anak din si Uncle na halos ka-edad ko ang bunso at habang nag-uusap kame kanina ay para din kameng mag-ama lang. Parang hindi makapaniwala si Uncle na sa edad kong 22 ay nasa labas na ko ng bansa para magtrabaho. Ito marahil ang dahilan kaya ako nailibre ng pamasahe ni Uncle. Sinabihan din ako ni Uncle na "You're so young. You're so pretty". Napangiti nalang ako. :)

Uncle, kung nasan ka man ngayon I pray you safety sa pagmamaneho at good health.



You Might Also Like

2 comments

Like us on Facebook