My First Make-up Experience

11:37:00 PM

Biglaan akong napasubo sa photoshoot na inorganized ng SG-Grupophotograpika sa Chinese Garden kahapon. Sa totoo lang hindi ko talaga alam kung paano ako magsisimula. Ang gamit na meron ako ay mga personal na pangangailangan ko lang. Wala akong primer, liquid foundation, mineral powder, concealer at iba pa.



Sinabi ko na din naman yun sa mga admin ng grupo na wala pa kong gamit pero ang sagot sakin, "kaya mo yan". O, eto na nag-gow ako subok subok, sa totoo lang kahit sanay akong make-upan ang sarili ko ng tamang make-up lang may natutunan ako kahapon at isa yun sa di ko malilimutang simula.

Late na kame nakadating at talagang kinakabahan na din ako, napagod na din ako sa layo ng nilakad namin dahil di namin alam saan ba ang main entrance ng Chinese Garden. Pero parang okay na din, sobrang late na at gusto ko na din makita ang mga modelo. Waah! Pakiramdam ko talaga non ay sasabak ako sa giyerang walang armas.

Matagal ako bago nakapag-simula, iniisip ko pa kasi kung paano at anong gagamitin ko. Una kong nakuha si Liz, maputi si Liz at mukhang tsinita. Sayang lang wala akong false eye-lashes naka-contact lens sila, teka dalawa nga pala ang modelo at pareho silang maputi at tsinita. Mas maganda kung naka-false eyelashes sana, sayang.

Pangalawa, si Cathy. Sweet si Cathy magsalita at gaya ni Liz nakakwentuhan ko na din siya. Gusto ko maging colorful sana pero Urban Decay Naked Palette ang meron ako buti nalang meron akong eyeliner na nagblend sa black at may eye-shadow na extra si Liz.

Nakaka-aliw din pala mag-makeup, nakakakwentuhan mo kahit nun mo palang nakita at nakilala. Cowboy ung theme ni Liz at cute na pang-summer ang outfit ni Cathy.

Noong una, pa-browse browse ng mga pictures, join ng make-up class at makakilala ng mga MUA. Ngayon feeling MUA na haha sa ngayon plano ko mag-ipon na muna ng gamit talaga tapos make-upan ang sarili? Testing tapos put into application. Haha :)

Salamat sa pag-invite ng grupo, sa mga nag-ggwapuhan at nag-gagandahang photographers, sa mga magagandang models lalo na sa pagsundo samin ni Kuya Rain, sa masarap na food na luto ni Kuya Bri, sa mga nakakwentuhan at bagong nakilala. Sa ngayon eto palang yung mga shots na meron ako. Thanks guys! :)

You Might Also Like

9 comments

  1. galing galing ng MUA namin.. thanks hon! :)

    ReplyDelete
  2. Kudos!!! Sabi ko seo e, kaya mo yun db.. What u have is enuf"... Maraming salamat po ...

    ReplyDelete
  3. Basta Zai yung sinabi ko seo...Pag ntuloy yun..magkakagamit ka na..

    ReplyDelete
  4. so humble yet talented lady! witty pa cz she mde us feel so atease through hvn tete-a-tete while putting make up on us...(such a friendly girl...i felt as though w'r long time friends...as in super close!)... lol..tnx to She an also...u wr both awesome!...keep it up girl! for me u'r a pro MUA already...versatile & resourceful..(btw, i read ur post...it's so spontaneous yt genuine...suhn an unforgettable moment that was...;-)

    ReplyDelete
  5. Thank u zai! Most of us are only amateurs who also dream on becoming professionals on the things we love to do. Always remember that all the successful people now thought the same way like yours, anxious, nervous or even afraid in failures. Nevertheless they still believe and tried to start to overcome the challenge. Living in mediocracy who just stay in their comfort zone and never try cannot anymore be successful. Remember also that Challenges are what make life interesting; overcoming them is what makes life meaningful.

    ReplyDelete

Like us on Facebook