List of our traditional Filipino Celebration in New Year's Eve

12:48:00 PM


Naaalala ko dati kapag New Year na hindi pwedeng hindi puno ang lalagyanan namin ng asin, asukal, bigas at kung anu pang mga garapon na nasa kusina. Hindi din pahuhuli ang mga prutas na bilog sa mesa at malagkit na biko ni Mama. Palagi din pinapaalala samin noon na tumalon at mag-ingay sa bagong taon para lumayas ang malas.

Ito ang mga turo samin ni Mama sa tuwing sasapit ang bagong taon. Hindi ko din makakalimutan ang paglalagay ng barya sa aming mga shorts, wallet, bag para hindi daw kame mawalaan ng pera at pagsusuot ng Polka dots o magkakaparehong kulay na damit.

Nakakatuwang isipin na sagana sa tradisyon ang mga Pilipino pagdating sa pag-cecelebrate ng bagong taon. Kaya inilista ko dito ang ilang mga popular na tradisyon na ginagawa namin sa bahay. Malayo man ako sa kanila at pangalawang taon ko na ng pag-celebrate ng New Year dito sa Singapore ay nakakatuwa pa din isipin na dito man ay ginagawa namin ang ilan sa mga tradisyon.

Food and Fruits

Sa hapag-kainan hindi nawawala ang lechon (roasted pig) o di kaya ay Fried Chicken bilang alternatibo, pero mas nauuna sa listahan ang pancit (noodles) dahil may kasabihan na pampahaba daw ito ng buhay. Hindi din pahuhuli ang Filipino Style na Spaghetti na paborito ng mga bata at ang biko ni Mama. Ngayon bukod sa Fruit Salad, Buko Salad at Macaroni Salad naidadagdag na din ang masarap na Graham na may Mango sa aming hapag-kainan.

Ang mga bilog na prutas ay di din pwedeng mawala sa listahan. Naaalala ko din noon hindi magkamayaw ang mga tao sa pagpili at pagbili ng mga bilog na prutas bago magbisperas ng bagong taon. Ilan sa mga prutas ay ang mga Orange, Watermelon, Pomelo, Grapes, Tsiko, Pinya, Melon, Rambutan, Lansones at kung ano pa. Pinaka-popular sa amin ang Kiat-kiat at Grapes.

Fireworks

"Mag-ingay oh!"

Ito na ata ang pinaka nakakatuwa sa lahat. Dito allowed kame mag-ingay as in sobrang ingay namin sa bahay. Pukpuk ng kaldero at mga kawali, ang may mga sasakyan ay pinapaandar ang busina at ang may mga motor ay pinapaingay din.

Hindi nawawala ang mga paputok gaya ng Sinturon ni Hudas, Super Lolo, Watusi at mga Kwitis. Meron pa ngang isa yung ah yung Fountain. Isinasabay ang pagpapaputok ng Fountain sa pag-papaagaw ng mga barya at mga kendi.

Ang mga bata ay halos mawalan din ng boses kakasigaw at kakasipol sa mga sombrerong may whistles habang nagpapaputok. Siyempre ang nakagawian na pagsusulat ng Happy New Year sa mga semento gamit ang firecrackers ay isa din sa paborito ko noon.

Ang bahay

Bukod sa kailangan malinis ang bahay ang sabi pa noon ni mama buksan daw ang mga bintana, drawers, cabinets at pintuan para pumasok ang grasya bago mag 12 o'clock at isarado ang bintana pagkatapos pumapasok kasi ang usok sa bahay namin.

Dress

Ito ang pinakagusto ko dahil sa tuwing sasapit ang bagon taon ay nagsusuot kame ng pare-parehong kulay ng damit. Red, yellow, purple, green, orange depende sa mapag-usapan naming pamilya. Nakakatuwa sa mga pictures dahil iisa ang kulay ng mga damit namin pinaka popular ang pagsuot ng pula at polka-dots.

Coins

Naging bahagi na din ng New Year's Eve namin ang pagkalansing ng mga barya sa aming mga shorts. Nagpapa-agaw din ng mga barya sa teris si Mama nuon at ang iba naming mga kapit-bahay. Ito daw ay pam-paswerte to attract wealth.

Let's Jump!

Ito ang pinaka-inaabangan ko nuong bata pa ako. Gusto ko kasi talagang tumangkad. Kaya kailangan ko tumalon ng mataas pero iyon ay nuong bata pa ako. Hindi man ako naging matangkad sakto lang ang height na nakuha ko.

Ito ay iilan lang sa mga tradisyon namin sa bahay noon pero may isa pa kong tradisyon at ginagawa noon sa bahay ito ay ang pagdadasal bago sumapit ang bagong taon. Hindi alam nila Mama na sa taas sa kwarto nagdarasal ako at nagpapasalamat.

Kayo? Paano niyo pinagdiriwang ang Bagong Taon? :)

You Might Also Like

0 comments

Like us on Facebook