I received a wonderful gift today from Auntie Zarah. She gave us keychains from Marina Bay Sands Singapore. I love these keychains. 2013 is year of the Snake, it's my year! :)
Happy happy birthday to my youngest brother Oscar. :)
Si Junjun ang bunso sa aming apat na magkakapatid. Natatandaan ko pa may pasok ako non at pauwi na sa skwela ng makita ko si Tatay at sabi niya ay umuwi na daw ako ng mabilis. Iyon pala ay manganganak na si Mama. Si Tatay ay may pupuntahan na magpapa-anak kay Mama. Pag-uwi ko naman sa bahay ay sinilip ko lang sa taas. Manganganak na ang mama ko. Lahat kame ay sa bahay ipinanganak.
Iisa lang ang hiling namin nung mga time na yun sana ay ligtas si Mama at ang magiging baby namin. Kaya kame sa baba ay nagdadasal para maging maayos ang delivery ni Mama sa magiging bunso namin.
Maya-maya pa ay sobrang tuwa ni Tatay na nagbalita na, "Yes, lalaki!". Tatlo na kasi kameng Maria kaya ang gusto talaga ni Tatay ay magkaroon na ng Junior niya.
Ngayon, birthday ng kapatid ko si Junjun Junior siya ni Tatay at gaya ng payo ni Tatay sa akin sa amin huwag pabayaan ang mga kapatid, mahalin at alagaan sila. Maging "ate" para sa kanila. Huwag kaming mag-aaway na magkakapatid, magmahalan kame at magbigayan. Iyon ang mga salitang palagi kong naaalala kay Tatay.
Junjun, happy birthday at happy birthday din kay Mama. Nagpapasalamat ako kay God na binigyan ako ng magbibigay sakin ng lakas at inspirasyon sa buhay. Wish ko na ang good health, good love and happiness para sayo Junjun at mag-aral ka ng mabuti. Alamin mo ang gusto mo sa buhay. Napanood mo ba yung 3 Idiots Junjun? Maganda yun at tungkol siya sa pag-aaral. Basta sundin natin kung anung gusto ng puso natin na pag-aralan at alamin doon tayo magtatagumpay.
Mahal na mahal kita Junjun bunso kayo lahat jan. May simpleng video akong inihanda para sa inyo sana ay magustuhan niyo kuya. I love you and I miss you all.
This is why I love Sunday, sometimes we find new foods to eat but most often we prepare and cook the foods we miss to eat. Christmas most specially and New Year we always have Graham cake in our dining table to share and since we miss it very badly yesterday we went to Lucky Plaza to buy Graham honey crackers.
Ideally, we have the Graham honey crackers with Mangoes in every layer but this time since we don't have Mango we use Crushed Oreo Cookies.
Procedure:
1. Filling – In a bowl, combine the chilled all purpose cream and condensed milk
2. Layer -Put the Graham honey crackers and pour the cream and repeat process to make 2 or 3 layers, ending with the cream.
3. Top with crushed Oreo Cookies
4. Chill and Serve cold.
We still have Oreo cookies so we decided to create Oreo Shake and it taste good with Hershey's Chocolate Syrup and Milk.
EJ is using our blender crushing the Oreo cookies. We used Philip's blender. It's very simple and easy to use and has great crushing ability. Yay!
We make an Oreo Cookie ice blended with Hershey's chocolate syrup and milk for our merienda with Lucky Me Pancit Canton.
We put the Graham container inside the fridge can't wait to eat it tonight. Yummy!
I just want to share this amazing product that I bought from the salon near our flat. It's the Shiseido F Program L-HPT Oil. The L-HPT is ideal fro normal dry hair. It protects hair from heat and prevents from the damage.
Tested this product quiet a few days and I think it works great for me. It prevents frizzing of my hair and makes my hair feel silky. I think I would recommend this to my sisters that's why I blogged this product.
The price is expensive at $38.00. I hope the price can be cut down more. :)
December 31 2012
May pasok kame ngayon ang akala ko half-day ulit today pero hindi. Malungkot ako dahil kapag ganitong bisperas ng bagong-taon noon naalala ko ay busy na kame sa pag-hahanda sa pagsalubong ng bagong taon. Parang ordinaryong araw lang dito ang New Year, tahimik sa labas at hindi busy abala ang mga tao.
Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko si Ante Zarah na nagluluto na ng pang-Spaghetti habang si EJ naman ay nag-cocomputer. Naupo na muna ako saglit sa sala para manuod ng balita sa GMA7. Ipinakita kung paano sobrang abala ang mga tao sa Pinas mamalengke ng pang-medya noche at iba pang mga paghahanda para sa bagong taon. Habang hinihintay namin ang pagsapit ng bagong taon picturan mode kame ni EJ sa Christmas Tree at mga handa.
Nag-dinner kame nila Ante Zarah, Tito Rey at EJ, spaghetti at chicken. Ang sarap ng kain namin habang may kwentuhan.
Malapit na ang bagong taon, inabangan namin ang fireworks sa Marina Bay, matatanaw mula sa bahay kaya lang ay may mga nakaharang na building kaya hindi namin makita ng buo. Sa GMATV ay New Year na! Putukan na ang mapapanood sa TV habang kame ay tuwang tuwa na kapag may fireworks.
Masaya ang naging paghahanda namin sa pagsalubong ng bagong taon. Tumawag ako kila mama bago magpalit ng taon. Nagkalat kame ni EJ ng mga barya sa bintana at drawers at gaya ng nakagawian ay nakabukas ang mga ilaw, bintana at drawer para pumasok ang grasya sa bagong taon. May mga prutas, spaghetti, may San Miguel at nakakita din kame ng fireworks.
Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon 2013! Salamat 2012.
Thanking God everyday, counting your blessings, showing gratitude, being positive and appreciating everything that you receive. Be generous. Show kindness.