Happy New Year 2013
6:52:00 PMHappy New Year Everyone!
December 31 2012
May pasok kame ngayon ang akala ko half-day ulit today pero hindi. Malungkot ako dahil kapag ganitong bisperas ng bagong-taon noon naalala ko ay busy na kame sa pag-hahanda sa pagsalubong ng bagong taon. Parang ordinaryong araw lang dito ang New Year, tahimik sa labas at hindi busy abala ang mga tao.
Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko si Ante Zarah na nagluluto na ng pang-Spaghetti habang si EJ naman ay nag-cocomputer. Naupo na muna ako saglit sa sala para manuod ng balita sa GMA7. Ipinakita kung paano sobrang abala ang mga tao sa Pinas mamalengke ng pang-medya noche at iba pang mga paghahanda para sa bagong taon. Habang hinihintay namin ang pagsapit ng bagong taon picturan mode kame ni EJ sa Christmas Tree at mga handa.
Nag-dinner kame nila Ante Zarah, Tito Rey at EJ, spaghetti at chicken. Ang sarap ng kain namin habang may kwentuhan.
Malapit na ang bagong taon, inabangan namin ang fireworks sa Marina Bay, matatanaw mula sa bahay kaya lang ay may mga nakaharang na building kaya hindi namin makita ng buo. Sa GMATV ay New Year na! Putukan na ang mapapanood sa TV habang kame ay tuwang tuwa na kapag may fireworks.
0 comments