Bakit Hindi Ako Nag-ipon ng Mas Maaga

10:53:00 AM

Mag-aapat na taon na akong nagtatrabaho. Dalawang taon ako sa Pinas at dalawang taon na dito sa ibang bayan. May trabaho naman ako pero naisip ko nalang parang may kulang.

#Adulting Hindi pa ako handa.

Hindi pa ako handang sumuko sa trabaho, pumasok sa buhay may pamilya, magkaroon ng bagong responsibilidad. Bukod sa pagiging breadwinner, main source ako ngayon ng aming pamilya. Ang  focus ko lang ay makaraos sa pang araw-araw.

Bakit hindi pa ako handa? Isa lang ang sagot ko, wala akong ipon.

Lumipas ang apat na taon na halos hindi ko nalang namalayan. May naitatabi naman pero may pinaggagastusan din ako. Bumibili ako para sa sarili at kapag may extrang pangangailangan handa ako magbigay. Hindi yun mauubos ubos. Laging may dahilan para gumastos.

Ngayon ko lang naisip ano ba talaga ang kahalagahan ng tinatawag na Savings.

May mga nag-advise naman sakin na mag-ipon. Pero pakiramdam ko kapag sinasabi nilang "Huwag kang bigay ng bigay, gastos ng gastos mag-tabi ka at mag-ipon ka." feeling pakialam niyo ba at mas lalo akong hindi nagiisip sa pera.

"Nak, mag-aral kang mabuti at pagnakatapos ka na sa pag-aaral magkakaroon ka ng magandang trabaho".

'Yun lang talaga ang nasa isip ko noon. Magtapos at magtrabaho sa mga kumpanya, sa ibang bansa. Ng makapagtapos at makapagtrabaho, I became busy saving for short-term goals, bakasyon, bili at bigay. Pag dating ng sweldo ay gastos naman.

Mga linya dati sa isip ko kung bakit hindi ako nag-iipon for long-term


  • Pag may pera may pang-gastos
  • Darating din ang sweldo sa kinsenas, katapusan
  • May pera pa ko anung gagawin ko dito.


Money comes, money goes but we should save to make it grow and invest. Ngayon ko lang naisip ang value ng long-term savings, mga goals para paghandaan ang kinabukasan. Hindi na talaga ako pabata, hindi ko na maibabalik yung time na sana ay nakapagtabi na ako ng para sa sarili ko pero hindi pa naman huli ang lahat sabi nga nila "its' never too late to start".

Sinisimulan ko na ang pag-iipon ngayon. Nakatagpo din ako ng mga kaibigan na nagpapayo sa akin. Hindi pa man ako handang-handa pinaghahandaan ko na ito.

Happy Working Life!

You Might Also Like

0 comments

Like us on Facebook