First Christmas Far Away From Home

9:57:00 PM

Saturday - December 24, 2011

Medyo maulan nung Sabado, naisipan namin ni EJ na mag-picture sa void deck ng block. Wala kameng magawa at hindi pa namin alam kung anung gagawin namin. Wala din kameng hinanda na kahit ano para sa "Noche Buena", kaya picture picture muna kameng dalawa.


Mag-isang oras din siguro kameng nag-pipicturan sa void deck hanggang sa tumawag tito ni EJ, niyaya kame mag-Orchard. Yey! May lakad na kameng dalawa.

Nagkita kame ng tito at auntie ni EJ sa may Ang Mo Kio Mrt station, para kameng nag-exchange gifts sa mrt, bawat isa ay may bitbit na regalo. Wala kameng usapan na mag-exchange gifts, talagang spirit of Christmas ang gift giving. :)

Una kameng nagpunta sa Lucky Plaza, nagpagupit muna si tito sa Bongga Salon at pagkatapos ay pumunta na kame ng Takashimaya.

Sa Takashimaya ang daming sale na laruan, naalala ko tuloy yung mga inaanak ko sa Pilipinas na sa tuwing sasapit ang pasko ay binibigyan ko ng mga toys. Super puno parin ang stores at ang daming nag last minute shopping, pati kame ay naki-join na rin.






































Pagkatapos ng salo-salo, nagpunta naman kame sa Marina Bay Sands.


Sa Marina Bay Sands na namin tinuloy ang kwentuhan. Mga nangyari ngayong 2011 at kanya kanyang sharing of experiences. We are very thankful at nandyan ang mga relatives ni EJ na nagpapayo samin, auntie niya at mga tito.

Pagkatapos nag-aya ng inuman si Tito sa Hawkers, tagay kame ng Tiger Beer.


Tinatawagan na kame sa bahay, nag-aantay din ang mga housemates namin sa tagay. Tequila ang iniinom nila at may bisitang taga-Thailand, katrabaho ng kasama din namin sa bahay. Nagkaroon pa ng Pinoy Henyo Game sa bahay at kame ang nanalo. :) May gifts kameng natanggap pagkatapos ng laro. 

You Might Also Like

2 comments

  1. wow. ang gaganda ng mga pictures. when will i go there in singapore? hahaha :D iloveyou ate glaiza, imy mwaa :*

    ReplyDelete

Like us on Facebook