Happy Father's Day!

12:51:00 AM



Hi ate. Marami ng nangyari sayo ate, andyan kana sa Singapore. Pero hindi mo kame nakakalimutan kamustahin te, kung okay ba kami. Kung ano plano namin sa buhay, o kaya kung ano gusto namin pabili sayo jaan. Kung iisa isahin ko lahat nun ate, lagpas pa sa edad ni lolo. Sobrang bait at mapagbigay kang ate. Kaya sobra din ang blessings sayo te tagal ng nawala ni tatay. Pero tatlo naman ang dumating para magin tatay natin. Ate, namimiss kita, namin. Pasensya kung minsan di kami nakakapagtext sayo. Pero palagi kang kasama sa mga prayers ko. Na sana kagaya mo ate, makapag abroad din ako. At makabawi kila mama. Sobra akong proud at happy ate, naging ate kita. Nabati ko na ng happy fathers day si papa resty at si tatay si tatay epe itext ko pa bukas. At ngayon, deserving din kayo ni mama batiin ng happy fathers day. Love na love ka namin ate. Salamat ate sa pagsuporta samin. I love you always!
Iyak tawa ako ngayon hindi ko alam kung bakit pag ganitong hating gabi nagkakaroon ako ng time para sumaglit at magsulat dito sa blog. Natouched ako sa message ng kapatid ko kaya iyak tawa ang salubong sa akin ng Father's Day. Ilang taon nadin namin hindi kapiling si Tatay at kapag ganitong Father's Day o Birthday niya feeling ko nagiging emosyonal talaga kaming mag-kapapatid.

Kagabi lang napanaginipan ko si Tatay, parang totoo talaga ang dami kong sinabi at kinuwento mga experiences at mga balita pero sa panaginip ko nakangiti lang siya. Pero kahit ganun masaya na ako at pagka-gising ko nakwento ko kay Jey parang totoo talaga.

Maaga kame naulila sa Tatay sa totoo lang gusto pa naming magpasikat sa kanya. Siya kasi, sila ni Mama ang aming number 1 fan noong mga bata pa kame. Naalala ko pa noong nag-aaral pa kame kung natutuwa na kame kapag nakakakuha kame ng mataas sa card sila talaga ang mas tuwang-tuwa.

Nawala man si Tatay dumami naman ang aming mga Tatay-tatayan sa buhay. At ang pag-mamahal ni Mama na walang kupas the best talaga. Para sa aking mga kapatid kayo ang inspirasyon ko ang babata niyo pa kasi. At alam ko namang alam niyo ung inuulit-ulit ni Tatay sa atin, "Mag-mahalan kayong magkakapatid.".

Maging matatag kayo jaan, abutin niyo ang inyong mga pangarap. Never give up. Alagaan niyo si Mama at mahalin niyo siya ng bonggang-bongga. Precious diamond natin si Mama. Namnamin niyo na magulo at magkakasama kayo jaan sa bahay na naipundar nila Tatay at Mama sa tulong ng bumbay at tindahan, magtulungan kayo at i-push niyo ang bawat isa to the best. May tiwala ako sa inyo mga kapatid at palagi din kayo sa panalangin ko araw-araw.

Above all, God, I thank you for all the blessings.

Happy Father's Day sa lahat ng Tatay sa mundo.

You Might Also Like

0 comments

Like us on Facebook