Thank you for the Birthday wishes and messages

12:19:00 PM

Message from my family

Hi..Nak!
Happy birthday.. alam mo first narinig ko voice mo nak noong may karamdaman si "mama" umiyak ka naghingusngus ka worry na worry sa kalagayan ni mama, natulala ako kasi may narinig ako, kwento ng buhay" isang anak nawalang ng magulang, mahal na mahal magulang nya umiikot sya sa palengke, sabi nya sa tindahan, pabili nga ng "mama". kaya kita ko sayo nak ganyan mo kamahal si mam, kaya dalawang kamay salute ako sayo nak, salute din  ako sa pagkapositive thinker mo nak. Happy happy happy birthday Godbless you all.
-Papa Resty
Ate GLAIZA,
Hi ate dahil birthday mo at dahil sobrang mahal ka namin sana mapasaya ka namin sa araw na ito, sa simpleng message para sayo. Alam ko na napakarami mong gusto at pangarap para sa amin at kay mama. Pero hindi man mangyari yun sa ngayon pero unti unti matutupad natin yun para kila mama at tatay. Yung maging masaya, healthy, at palaging nasa mabuti ang prayers ko sayo araw-araw ate. Na hindi ka pabayaan ni Lord. Na palagi Nya kayong gabayan. Ate sobrang thankful ako dahil may ate ako na matalino, mabaet, talented at maganda na kagaya ko. Charot. Haha. Thank you ate glaiza sa maraming taon na pagsuporta sa amin nila mama. Kahit anjan ka, andito kame. Di mo kami napapabayaan. Hayaan mo ate, babawi kame. Sa ngayon, si ate gadz muna makakabawi sayo. Ako later muna. Haha. l love you ate glaiza! Mahal na mahal ka namin ate! You're the best Ate in the world! Happy Birthday!
-Grace
Hi ate glaiza,
Happy Birthday Ate! Maraming salamat sa lahat lahat. Sa tulong at pagpapayo sa amin. Tutulungan ka namin na tuparin ang aming mga pangarap. Mahal na mahal ka namin. Stay healthy!
-Junjun
Hello nak Glaiza,
Hi nak sa araw na ito binabati kita ng Happy 25th birthday. Nak una kong sabihin sayo maraming maraming salamat sayo bilang isang nanay mag-sabi na salamat sa lahat ng mga pagtuon pansin at sa pag suporta sa mga kapatid mo na di mo sila pinabayaan suportahan at sa akin ang bait mo nak at maalalahanin pa. Ang swerte ko nak na may anak akong ganyan Blessed ka kay Lord sa akin. Sa pinagdaanan natin ng panahon nangarap tayo na makapag abroad ka at yun natupad dahil isa narin na makaraos tayo sa pangangailangan natin sa buhay. Nak, wala akong ibang hangarin na ang mga kapatid mo, lalo na kay bunso matapos natin sya suportahan sa pag-aaral. Mula pa man sa umpisa nak na andyan ka sa Singapore suporta kana sa amin. Kaya maraming salamat nak Glaiza. Nak, kami ng mga kapatid mo at sa bago mong papa resty ay lubos ng pasasalamat sayo. Maraming salamat nak, ingatan mo ang kalusugan mo nak. Andyan si Ej sa buhay mo, basta masaya kayo lagi, masaya narin ako hehe.
ANG NAGMAMAHAL NG LUBOS,
Nanay mo: Ging...
Ate,
Wala ng space. Wala kami pangbayad ng shipping fee kung magpapadala kami ng gift sayo. Kaya letter nalang. As usual. The best gift in life. I love you ate. Everyday thankful kami because of you. Basta ate mahal na mahal ka namin. Be humble always. Happy Birthday!
-Gadz




To Gadz and to all my dear family members, hindi ko alam kung paano ko babasahin ung mga messages. Hindi ko din alam bakit naka-attached sa excel file haha kaya I copied and paste it here. Yung excel I converted to JPG para lagi ko to nakikita pinaghirapan niyo to aba :) Hindi rin nakalusot sa aking ang time ng email mo sis 12:54 AM thank you for the salubong, I love you all.
Nagsisimula palang akong magbasa tumatayo na mga balahibo ko siguro dahil malamig dito sa office haha joke lang naiiyak na kase ako at pinipigilan kong umiyak tawa dito :) Salamat sa mga messages mga kapatid, Mama and Pa Resty.
Si Pa Resty may "Kwento ng Buhay" na istorya hehe. Si Grace naman "Kahit anjan ka, andito kame" natawa ako haha :D Pati kay Junjun, "Tutulungan ka namin na tuparin ang aming mga pangarap" :D Declare it na bunso. Si Mama winner "Sa pinagdaanan natin ng panahon nangarap tayo na makapag abroad ka" love you Ma hehe :p
I love you all, sayang lang hindi inabot ni Tatay pero alam kong masaya si Tatay Oscar ngayon Ma. Eto sa message mo Gadz natawa din ako "Kaya letter nalang. As usual. The best gift in life." Ngayon ko lang nalama na letter ang best gift in life hahah. charot :D You guys made me feel that my birthday is extra-ordinary iyak tawa ang peg. Thank you. Thank you, Lord.

Messages from my family from Facebook, Email, SMS

Glaiz!
Happy 25th birthday! Magkasing edad na tayo bawal na akong tawaging 'Ate' hehe. Maraming salamat glaiz sa lahat ng pagmamahal, alaga at tulong mo for me at sa families natin. You're very thoughtful, generous and loving. Kaya madami din nagmamahal sayo. And you are very blessed. Stay as good as you are. Love you beautiful! Mwahhh!
Ate Badith
Happy Birthday gaw 25. Na gyud ka gaw hehe keep safe gaw I miss You I love you gaw.
Gaw Sheryl
Glaiz good day,
Glaiz happy happy b-day!!! Musta na? anong blita n s b-day mo? glaiz sana yung mga wish mo matutupad, at alam q, matutupad yan kasi napakasipag mo, at nag titiwala k sa kanya. Ptuloy lng, wag k mapagod, wag kang mag sawang humingi s kanya, ibibigay yan kung anong gusto mo.basta mag sipag k lng.
Ingat lagi glaiz, happy b-day!! God bless you always.
Kuya Jun Jao
THIS WISE LADY WITH ME IS HER BIRTHDAY TODAY! HAPPY HAPPY BIRTHDAY MY DEAR COUSIN ZAI Zai Rodriguez Bernaldez ! I WISH YOU MORE SUCCESS, BLESSING, and HAPPINESS! feeling happy
Gaw Jenice
Happy bday sa akong mapinanggaon nga agaw manghinaot ko nga dghan pang adlaw nga natawhan ang muabot dha kanimo ug kabaskugan sa lawas..amping kanunay agaw sing.loveyou misyou...mwuahh!
‪#‎hehe‬‪ #‎nosebleed‬ ba sing? ‪#‎happybday‬
Ding Aiza
I'll add more here back to work na muna I don't know why I'm doing this ^_^ saving all your messages para mabasa ko to paulit-ulit. I love you all..

You Might Also Like

1 comments

  1. Borgata Hotel Casino & Spa - Mapyro
    The Borgata Hotel Casino & Spa has 1,706 강릉 출장샵 spacious guest rooms and suites. The 광주광역 출장마사지 hotel 창원 출장안마 boasts 제천 출장마사지 more than 1,100 slots and 70 table games. 충주 출장안마 It features an outdoor pool,

    ReplyDelete

Like us on Facebook