It's Christmas all over the world!
Hindi ko na naman namalayan ang bilis ng taon. Totoo nga ang nasa kanta na "Pasko na naman, O kay tulin ng araw". Ito ang pangalawang taon ng pagcelebrate namin ng Christmas dito sa SG. Wala kameng paghahanda na ginawa maliban sa pagbili ng regalo, pagpapadala ng pamasko sa Pinas at ang pagsisimba.
Monday - December 24 2012
Maaga akong gumising may pasok kasi kame ngayon. Si EJ naman ay naka-leave. Sa office maya-maya ay sinabi ng boss ko na, "It's Christmas Eve! Let's go half-day today!". Sa loob ko ay sobrang tuwa pero maya-maya pa ay nakiusap sakin ang isa kong boss na kung pwede daw ay extend ng konti just to make sure na wala ng trabaho na gagawin.
Sabay-sabay pa kame naglunch sa foodcourt pero excited na talaga akong umuwi wala na din naman ako ginagawa dahil natapos ko na.
Pagtapos sa trabaho ay nagkita kame ni EJ sa Bugis Village. Namili kame ng pan-regalo at ng damit. Hindi namin alam na alas 6 pala ang misa sa Saints Peter and Paul ang akala namin ay 8PM pa kaya dali-dali kameng pumunta sa simbahan mabuti ay malapit lang ang simbahan sa bahay.
Pagkatapos ng misa ay kumain muna kame ni EJ sa Bugis. Sobrang gutom na ako at nag-lakad lang kame kaya naisipan na namin kumain canton ang inorder ni EJ at spaghetti naman ako. Nakakamis talaga ang kumain ng mga noodles kapag ganito ang panahon. Pero wala ng sasarap pa sa lutong spaghetti na Pinoy Style at luto nila Mama sa Pinas parang gusto naming umuwi ng mga oras ding yon.
Sa bahay ay binalot na namin ang aming mga regalo para kila Ante Zarah at Tito Rey nilagay namin sa ilalim ng Christmas Tree. Bukas pala ay maaga ang pasok nila Ante kaya maaga na sila natulog. Nagpapatugtug lang kame ng mga Christmas carols para background music.
10PM
Naboboring na kame ni EJ. Wala kame magawa. Greetings sa Facebook ang inaatupag namin.
11PM
Surfing the web.
Ang hindi alam ni EJ ay meron akong munting regalo na hinanda para sa kanya. Sa totoo lang ay iba ang nasa isip ko na iregalo sa kanya. Gusto ko sana siyang bilhan noon ng Gitara. Naisip ko yun mga October pa pero hindi ko mabili ang mahal ng gitara. Sa Bugis naman habang nag-aantay ako sa kanya ay naghahanap ako ng mabibilhan ng Battlefield III. Wala akong makita, sa Sim Lim daw iyon mabibili. Habang naghahanap ako ng ireregalo ko kay EJ nakakita ako ng kwintas na Gitara. Gandang-ganda ako kaya binili ko. Sa isip ko ito ang ibibigay ko kay EJ pero sana magkaroon na din kame ng gitara. Hindi ako maka-tiempo kung paano ko ibabalot ang regalo ko bago pa man mag midnight ay nahuli ako ni EJ. Hahaha! Sinalubong namin ang Christmas na nagtatawanan. Hindi ko naitago ang gift ko. Nahuli niya ako na doing something.
12PM to midnight
Merry Christmas! :)
Nag-stay lang kame dito sa bahay at tumawag sa Pinas. Namimis ko na sila Mama, mga kapatid, kapamilya at kaibigan. Ang sarap pa rin sa pakiramdam na mabati namin sila ng Merry Christmas. Nakakaiyak dahil nakakamis talaga ang Pasko sa Pinas pero happy na rin ako dahil magkasama kame ni EJ at masaya.
Merry Christmas Everyone!