First Attempt To Cook Carbonara

12:49:00 AM

May natira pang pasta kaya naisipan ko kaninang hapon na magluto ng Carbonara, nakapag-spaghetti na kame noong Thursday kaya ngayon ay para maiba Carbonara. Hindi ko alam kung paano magluto ng Carbonara, wala akong ka-ide-ideya dahil si Mama ko ay hindi naman nagluluto ng Carbonara. Nagkataon din na nakita kong nag-post ang kaibigan ko sa FB about sa kanyang home made Carbonara. So why not try? May pasta naman ako talaga action nalang ang kulang.

Malapit lang ang Shen Shiong Supermarket dito sa tinitirhan namin, niyaya ko si Prince na samahan ako bumili ng recipe para sa Carbonara. Wala akong makitang bacon, ang meron lang ay ham, pero naisip ko na baka pwede ng gamitin ang Chicken Franks Hotdog namin at Ground Pork para sa recipe kaya hindi na din ako bumili.

Ang binili ko nalang ay ang Leggo's Alfredo Cream Sauce with Cheese para timplado na ang Carbonara. Sa madaling salita, wala talaga kong mga recipe ni Carbonara maliban sa mga existing ingredients na pwede na ring magamit. Sibuyas at Bawang Chicken Franks o Hotdog Ground Pork / Giniling Gatas Leggo's Alfredo Pasta ayan lang ang mga ginamit ko para sa Carbonara pero tinimplahan ko ng konting asukal at sinamahan ko din ng Knorr Cubes na Chicken flavor. :)


Natuwa naman ako sa kinalabasan dahil kumain si Prince, EJ at Ate Tina (kasama namin sa bahay). At naka-ilang kain na din si EJ ng Carbonara ko. :) Marami pang ingredients ang missing kaya sa susunod na attempt ko magluto ng Carbonara ay paghahandaan ko na talaga ang mga ingredients.

Happy and I like my first attempt home made Carbonara.

You Might Also Like

0 comments

Like us on Facebook