St. Remy Brandy at Chicharon Solved

3:00:00 PM



Wednesday palang pero may yaya na ng inuman. Madalas Friday ang ayaan ng inuman pero ngayon napa-aga. Hindi na din kame tumanggi dahil noong nakaraang linngo ay nakatanggi na ako at sila-sila nalang ang nag-inuman.

St. Remy Authenthic French Brandy ang nakahanda para sa tagay. Naglabas naman ako ng R. Lapid's Chicharon na binigay samin kahapon ni Ate Mishie na galing pa sa Pinas. Ang buong akala namin ay may birthday dahil mukhang special ang tatagayin pero kunwari lang pala ito. Apat kameng tumagay ng St. Remy, pero sa umpisa napatagay din namin si Ate Tina na nagbabantay pa kila Duke at Prince.

Unang tikim namin ito ng St. Remy Authentic Frenh Brandy, masarap pero napakainit. Wala kameng halo sa brandy, mabuti nalang at may mga tira-tirang softdrinks sa fridge kaya nahaluan namin. Nagbukas pa ako ng Century Tuna Hot & Spicy para may ibang pulutan. Para sakin matapang ung St. Remy Brandy, ang sagot naman ni EJ ay parang Matador daw. Heheh.



Halos dalawang oras na kwentuhan at tagay ang nangyari kahapon. Salamat sa St. Remy Authentic Brandy mahimbing ang tulog pero sabog kinabukasan. :)






Have a blessed night! :)

You Might Also Like

0 comments

Like us on Facebook