Late Lunch Black Pepper Roasted Chicken

5:07:00 PM

Late na kameng nagising ngayon kaya late na din ang aming lunch. Pumunta muna kame ng DBS para i-check ang aming account sa previous employer pero close na pala ito. Sa FairPrice na kame dumiretso para mamili ng mga pagkain para sa susunod na linggo.

Habang namimili ng mga prutas, tinawag ako ni EJ upang tingnan ang mga luto nang chicken. Pagtingin namin amoy palang ay nakakagutom na, kaya sinubukan naming bumili.

Black Pepper Roasted Chicken ang binili namin para sa late lunch. Naalala ko tuloy ang Andoks at Chooks to go sa Pinas at maging ang ilang maliliit na tindahan ng manok na binibilhan namin sa Tandang Sora at sa Philand.



Hindi na siya gaanong mainit pagdating namin kanina, mag-alas tres na rin ng makarating kame sa bahay. Pagkadating ay inayos na namin ang mga pinamili naming prutas at kakanin. Si EJ sa ngayon ay namumula-mula ang mata niya. Bumili kame ng Allergan sa halip na Eye Mo wala kasi kameng makitang Eye Mo for red eyes. Pagkatapos makapagligpit at makapag-saing, kainan na :)


Masarap ang nabili naming Black Pepper Roasted Chicken. Ito na ang ulam namin hanggang mamayang hapunan at malamang hanggang kinabukasan ay ulam pa din namin ito. Malasa ang balat niya at malambot naman ang chicken sa loob.

Naalala ko tuloy sila kuya pinsan na sa tuwing bumibisita sa bahay ay may dalang manok o di naman kaya kapag may bisita sa bahay manok na tulad nito ang naiisipan naming bilhin para sa ulam at pulutan na rin.


You Might Also Like

1 comments

  1. Your website very good and Indian style with easy Spicy pepper chicken recipe instructions. In this recipe, Black pepper chicken dry is shared.

    ReplyDelete

Like us on Facebook