Saturday Night Kwentuhan

8:00:00 PM


Alas kwatro na ng madalinga araw pero gising pa din ako. May tinatapos akong website pero hindi ako makapagconcentrate, kaya naisipan kong iupload ang mga picture namin kanina. Saturday night kwentuhan. Naglabas ng Argentina Spicy Sisig si Kuya Reymond, first time kong makakita at makatikim ng Argentina Sisig. Favorite ko ang Sisig kaya niluto na namin ito. Gisa ng sibuyas at bawang, ihalo, lagyan ng itlog at pampalasa at solved na ang pulutan.


J & B naman ang natikman namin ngayon habang may Ding Dong, Nagaraya at Argentina, isama na natin ang chaser na Tang Orange. Kwentuhan kame about sa buhay buhay sa Pinas, mga pinagdaanan at mga plano sa buhay. :)



Hindi ko alam kung bakit gising pa din ako ngayon, nakikinig ng Love Radio 90.7. Mga lumang tugtug na ang naririnig ko kaya parang mas lalo akong gising ngayon, sarap kasi pakinggan ng mga old musics.. Sunday na pala kaya goodtime oldies na. I can't stop myself listening on the radio via internet feeling ko nasa bahay lang ako. Kanina nga pala naka-usap ko si Uncle after almost 2 years. Dubai siya ngayon at masaya akong makita uli siya sa webcam.

Have a blessed Sunday morning everyone! :)



You Might Also Like

0 comments

Like us on Facebook